Martes, Enero 15, 2013

street childrens




Mga batang walang permanenteng nauuwian.
Sa panahon ngayon, marami na sa mga kabataan ang naliligaw sa kanilang landas. Karamihan sa kanila ay wala pa sa hustong gulang at napabayaan na nang kanilang mga magulang. Samantalang ang iba naman ay iniwan na lang basta sa lansangan at tuluyan nang pinabayaan. Hindi natin maiwasan ang kaawaan ang mga batang palaboy laboy na lang ngayon sa lansangan. Mga walang pantustos  sa kanilang pangangailangan, mga walang matirahan, ni pagkain ay wala silang masumpungan, ano na lang ang maaaring mangyari ngayon sa ating lipunan kung patuloy na madaragdagan ang mga kabataang walang tamang landas na patutunguhan.

Kaawa-awang kabataan, walang permanenteng mauuwian, kung saan saan nalang nahihimbing sa gitna ng madilim at nanganganib na gabi. Karamihan sa kanila ay walang sapat na kaalaman sa mundong ibabaw. Hindi alam ang tama at mali, ni walang pakealam sa nakararami. Mga walang moralidad, walang galang na nauuwi sa pagkainis ng marami. Mga batang patuloy na nanlilimos upang may ipanlaman lamang sa nangangasim nilang sikmura.

Hindi natin sila dapat husgahan na lamang, hindi natin alam ang tunay nilang nararamdam at naisin sa buhay. Hindi maiwasan na sila’y masaktan sa mga masasakit na salita na kalimitan nating binibitawan na nauuwi sa madamdaming usapan. Ang iba sa kanila ay hindi gusto ang kanilang kinalakhang buhay. Marami sa kanila ang patuloy na nangangarap ngayon na magkaroon  ng magandang kinabukasan. Dapat silang mabigyan ng sapat na patnubay at gabay ng mga taong dumaraan sa kanilang buhay.

boluntaryong pagtulong
Masarap sa pakiramdam na sila’y mabigyan ng sapat na atensyon. Salamat sa mga taong patuloy na kumakalinga sa mga batang uhaw na uhaw sa pagmamahal ng kanilang tunay na magulang .Kahit konting tulong ang natatanggap nila mula sa atin sila ay nagkakaroon ng saya at ligaya. Ang mga mapagkalingang tao na patuloy na nagbibigay pugay sa mga batang naghahanap ng kalinga ay pinagpapala ng ating Poong may Likha.

Hindi ba't kay sarap sa pakiramdam na tayo ay nakakatulong sa mga batang gaya nila? Bakit hindi mo subukang tulungan ang mga gaya nila at maaaring maramdaman mo rin ang mga nararamdaman ng iba sa twing naghahandog sila ng kahit kaunting tulong lamang. Kahit atensyon lang na mula sa atin ay mahalaga na para sa kanila at siguradong ramdam nila na kahit papaano ay may nagpapahalaga pa din sa kanila na hindi sila nag-iisa at may nagmamahal pa din naman sa kanila. Hindi ba't kay saya naman talaga sa pakiramdam na ikaw ay nakakatulong sa mga.

Maaaring marami sa mga mapepera ang wala ng paglagyan ng kanilang mga kayaman. Ang iba ay patuloy na naghahanap ng mapaglilibangan o mapaggagastusan ng kanilang pera. Bakit hindi na lang nila ilaan yon sa mga naghihirap na mga bata sa lansangan? Kung sa walang kakwenta-kwentang bagay nga ay may napaggagastusan sila, bakit hindi na lang kaya nila subukan na tumulong sa iba? Siguradong pagpapalain pa sila ng Poong Maykapal. Ang lahat ng kabutihan na ating naibibigay sa iba ay nakakapagpasaya na din sa kanila, at siguradong patuloy pa ang pagdating ng grasya ng mga taong walang sawang tumutulong sa iba.


May mga pagkakataong mahirap unawain ang ugali ng mga batang lansangan dahil na rin sa ugali at lugar na kanilang kinalakhan. Marami sa kanila ay natututo sa mga hindi naaayon na gawain para sa kanila katulad ng masasamang bisyo, gaya ng paninigarilyo, pagkuha ng mga gamit na hindi sa kanila, pagsasabi ng mga hindi magagandang salita sa kanilang kapwa, at kung anu ano pa na hindi nakatutulong sa kanilang pag-unlad.

Kalimitan sa mga batang humihingi ng kaunting salapi sa mga taong kanilang nakakasalamuha ay nasa sa kamay ng mga sindikato. Lahat ng nakokolekta nilang pera at lahat ng kanilang naiipon ay kinukuha lamang ng mga sindikato para sa kanilang ikakabuti at para gawing tagapaghanapbuhay lamang ang mga kaawa-awang mga bata. Karamihan sa kanila ay hindi gusto ang kanilang mga ginagawa at  napipilitan lamang para hindi sila mapagalitan at para na rin hindi manganib ang kanilang buhay sa kamay ng mga sindikato.

Kahit na may mga pagkakataong hindi natin sila mabigyan ng anumang atensyon sa twing hihingi sila sa atin ng kaunting tulong, hindi pa din natin maiwasan ang magduda sa kanilang mga ikinikilos, hindi natin alam kung ano ang maari nilang gawin sa kanilang nakolektang pera. Saan man nila gastusin ang perang nakolekta nila hindi na natin yun dapat na intindihin sapagkat yun ay nasa sa kanila na at bahala na sila kung ibibili ba nila yun ng anumang makakain, pero kung makita man natin sila na iginagastos ang perang nakolekta nila sa walang kakwenta-kwentang bagay ay bigyan na agad natin yun ng aksyon, pangaralan natin at kung hindi man madaan sa pangaral ang mga kagaya nila, wag pa din tayong mawawalan ng pag-asa sa pagtulong sa kanila.

Minsan ang mga bata sa mundo ay naghahanap ng kalinga sa mga taong mahalaga sa kanilang buhay. Hindi lang pangangailangan sa pagkain, sa tahanan, sa edukasyon, at sa kung anu-ano pa ang kanilang nais makamtan sa buhay, nais din nila ng pagmamahal na mula sa kanilang magulang, mga kapatid o kamaganakan man, at kahit sa mga taong hindi nila kaanu-ano sa buhay. Kailangan silang pangaralan ng tama at wasto para na rin sa kanilang ikabubuti at ikauunlad. Kailangan din nila ng sapat na kaalaman batay sa mga maaring marating nila sa kanilang buhay.

Mahirap man silang intindihin, mahirap man silang unawain, hindi naman sila mahirap mahalin at kalingain. Hindi man kagandahan ang kanilang ipinakikitang ugali, meron pa ring nakatagong kabutihan sa kanilang mga puso. Hindi man natin nakikita ang kabutihang panloob na meron sila dapat pa din nating bigyan respeto ang bawat isa hindi lang yung mga taong may natapos at may edukasyon ang ating bigyan ng pansin pati na yung mga kagaya nilang nangangailangan ng kalinga at aruga.

Hindi minsan maiwasan na makaramdam sila ng inggit sa mga batang may mga kasamang nanay o tatay. Hindi man nila minsan ipinahahalata at kahit na hindi man nila aminin na nakararamdam din sila ng matinding kalungkutan, alam naman natin na walang batang gustong mapawalay sa kanilang mga magulang, na lahat ng mga bata ay gusto ng mga taong may kakalinga at susuporta sa kanila. Hindi man natin pansin o hindi man natin alam pero un ang katotohanan at walang makapagbabago ng kanilang tunay na nararamdaman, na nangungulila sila sa kanilang tunay na mga magulang.

Kung ikukumpara mo ang buhay mo sa mga batang kagaya nila na nananahan lamang sa tabi ng kalsada, masasabi kong napakaswerte mo. Dapat na matuto tayo na magpasalamat sa ating Panginoon, kahit na dumaranas tayo ng matitinding pagsubok sa ating buhay dahil maswerte tayo at kahit na minsan may mga hindi magagandang nangyayari, may nakakain pa rin tayo, may nasisilungan at higit sa lahat may patuloy pa ring nagmamahal sa atin, sapagkat nandiyan pa rin sa ating tabi ang mga magulang o mga kamag anak natin kahit na ano man ang trahedyang ating sapitin sa buhay.

Huwag nating abusuhin ang ating buhay sa walang kakwenta-kwentang mga bagay. Gamitin ang utak at hindi yung puro puso na lamang,  pero mas makabubuti kung ibalanse ang paggamit ng ating puso at isip. Maswerte tayo na mga magaaral at nagkakaroon tayo ng pagkakataong makapagaral at maaaring magkaroon tayo ng isang magandang hanapbuhay pagdating ng araw. Huwag nating hayaan na mapariwara ang ating buhay, kaya dapat tayong magaral ng mabuti para na rin sa ating ikabubuti at pati na din sa ating kapakanan at kapakanan ng nakararami.

Masayang mabuhay ng maraming pera, naniniwala ka ba doon? Para sa akin depende pa din, mapera ka nga wala namang nag aaruga sayo, diba aanhin mo pa ang pera mo kung wala namang nagmamahal sayo? Pero pansin ninyo ang mga bata, wala na ngang sapat na pera, wala pa ding tunay na nag-aaruga sa kanila. Di ba at kay hirap naman talagang isipin ang mga bagay na gaya noon. Kaya kung ano man ang meron tayo patuloy pa din tayong magpasalamat. Kalingain natin ang iba, ant tulungan ang mga nangangailangang gaya nila.

Alam mo ba kung bakit patuloy ang pagdami ng mga batang kaawa awa gaya nila na mga palaboy laboy na lamang? Yun ay dahil na din sa kapabayaan ng marami lalo na ng kanilang mga magulang. Ang ilan sa mga magulang nila ay menor-de-edad pa lamang at maagang nakapag asawa. Hindi  nila inisip ang magiging epekto sa kanilang buhay pagdating ng panahon. Akala nila masaya at masarap ang buhay may-asawa. Sa una, maganda at masaya kung kayong mag asawa  ay may sapat  na pera, syempre masaya talaga pero paano na lamang kung pareho kayong walang natapos? Paano na lamang kayo makahahanap ng magandang hanapbuhay para mabuhay at mabigyan ng magandang buhay ang inyong mga anak.?

Kalimitan sa ibang mga magulang ay napanghihinaan na ng loob pagdating sa kanilang mga anak, kaya’t nagagawa nilang mapabayaan ang mga ito, ang iba ipinamimigay na lamang, itinatapon sa basurahan, iniiwan kung saan at ang malala pa nito, karamihan sa kanila ay pinapatay na ang kanilang mga anak kahit nasa sinapupunan pa lamang. Kaawa-awa talaga ang mga batang ipinagtatabuyan ng kanilang mga magulang, kaya karamihan sa kanila ay napapadpad na lang sa kung saan-saang lupalop ng mundo. Natututo tuloy ang ibang gumawa ng masasamang gawain tulad ng pagnanakaw para lamang may makain. Ang iba ay nagkakalkal na lamang sa basurahan at doon humahanap ng kanilang pantawid gutom. Kayrurumi ng kanilang mga  katawan at kay dudungis ng mga walang saplot nilang mga paa.

Pag isipan munang mabuti ang mga bagay bagay bago gawin ng sa huli ay wala naman tayong pagsisihan. Nasa babae din naman ang deperensya kung talagang papatulan niya ang isang lalake, at walang kontrol sa kanyang sarili, yan ang kanyang pagsisisihan kapag sya ay nabuntis ng maaga, kaya dapat bago ka gumawa ng isang hakbang may naipon kana, may natapos ka na, at may maipagmamalaki ka na sa pamilya mo, at sa mga magiging pamilya mo balang araw.

Ang iba sa mga bata ay nagbabanat na ng kanilang buto at ang masaklap pa doon ay dahil sa kagustuhan yoon ng kanilang mga magulang. Pinagtatrabaho sila para sa pambili ng makakain at ang kanilang mga magulang ay walang ginagawa kundi tumunganga at hinihintay ang pagdating ng kanilang mga anak. Baligtad na ba ang mundo at ang bata sa murang edad na ang nagtatrabaho,  samantalang ang magulang nilang walang depekto at tila kasinlakas pa ng toro ang siyang nakatunganga at naghihintay ng kung anong darating na biyaya? Kaawa-awang bata, na dapat ay naglalaro hayon at nagbabanat na ng buto.

Ang hirap kalimitan ng lagay ng mga batang patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng kanilang murang mga edad, hindi alintana ang mga panganib na maaaring humantong sa kanila, sa pang araw-araw na kanilang ginagawa sa kanilang pagtitinda ng kung anu-ano , sa pagkakalkal ng mga basura o sa pangongolekta ng kung anu pa man ang maaari pang maibenta.

Marapat na ang mga batang gaya nila na nagsusumikap sa buhay habang bata pa ay pinagpapala ng Maykapal, pinapatnubayan, inaalalayan, at iniingatan. Hindi natin sila dapat na paratangan, dapat natin silang igalang kahit na mumunting mga bata pa lamang sila para ibalik nila sa atin ang ating paggalang at ng tayo ay matutunan na din nilang igalang bilang mga nakakatanda kahit na hindi man tayo lahat mag kaano-ano ay dapat na lahat ay mayroon pa ding respeto sa bawat isa at yan ang tinatawag na pagmamahal sa ating kapwa.

Lahat naman tayo ay nakaranas ng makapaglaro kasama ng ibang mga bata, kaya alam natin ang pakiramdam ng kung paano maging masaya ng tayo ay mga bata pa lamang kaya nararapat na lahat ng mga bata ay nakararanas din ng ganoong kasiyahan dahil yoon ay panandalian lamang na nangyayri sa ating buhay, na ang pagkabata ay panandalian lamang.

Hindi ba at kay gandang pagmasdan ng mga batang masayang naglalaro sa labas ng kanilang mga tahanan na tinatanaw ng kanilang mga magulang? Hindi ba’t kaysarap maging bata lalo na kapag alam mong mayroong gumagabay at patuloy na nagiintindti sayo? Kayat napakasakit naming isipin na sa twing nakakakita tayo ng mga batang banat na ang buto sa pagtatrabaho, kay bigat sa pakiramdam na sa murang edad sila ay pagod at nahihirapan. Karamihan sa kanila ay palaging may sakit dahil sa sobrang pagod na kanilang nararamdaman sa pang araw-araw na kanilang ginagawa sa buhay.

Kapag madaming bata na sa atin ay nakapaligid, napagtatanto natin na sila ang nakapagbibigay sa atin ng mumunting kasiyahan sa ating buhay lalo na sa twing sila ay nagsasaya kasama ng kanilang mumunting mga kaibigan, kabitbahay at kung sino sino pang mga nakakasalamuha niya sa kanyang pang araw araw na gawain o pang araw araw na pinagkakaabalahan, kayat hayaan na lang natin muna silang makapaglaro habang bata pa lamang sila. Ang makapagsaya ang pinakamagandang regalo na maibibigay natin sa kanila at walang makapagbabago noon sa kanila.


May mga bata naman na sa halip pagkain ang pinagkakagastusan mas inuuna pa nila ang bisyo at sugal. Pinagkakaaksayahan pa nila ng pera at panahon ang pagbili sa mga walang makakabuting epekto sa kanilang buhay gaya ng sigarilyo. Hindi nila iniinda ang maaaring maging epekto nito sa kanilang kalusugan. Maaaring mapadali pa ang kanilang buhay. Dapat iniipon na lang nila yoon at ipinambibili ng kanilang pantawid  gutom. Karamihan pa sa kanila ay gumagamit na din ng mga ipinagbabawal na gamot pati na din ng marijuana at ang walang sawang pagsinghot ng nakahihilong amoy ng rugby.

Sa sobrang paggamit ng rugby halos lahat sa kanila ay sobrang naaadik na, ang iba ay hindi na mapigilan at ladlaran na kung gumamit. Walang pinipiling kasarian ang bisyo, mapalalaki o mapababae man walang iniinda. Maging sa edad wala na ring bata o matanda at halos karamihan na sa kanila ay mga bata. Marahil ito na ang kanilang pampalipas oras, ito na ang ginagawa nilang libangan sa buhay. Wala silang pakealam sa mga taong maaaring makakita sa kanila. Wala silang pinipiling oras at panahon maging lugar. Kaawa-awang mga nilalang, bata pa lamang nasisira na kaagad ang kanilang mga buhay. Hindi man lang nila naisip na ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng panginoon ay kay ganda kung ito’y ating pangangalagaan lamang.


Ano ba ang kagandahang naidudulot ng rugby sa kanilang mga katawan? Ano ba ang nagustuhan nila   sa pagsinghot ng mga bagay na hindi naman nararapat. Maaaring ang iba sa kanila ay natututo na ring gumamit ng marijuana. Maaaring maapektuhan nito ang ating mga pag-iisip, kaya marami sa mga batang gaya nila ay kalimitang nawawala sa wastong kaisipan, wastong pagkilos at minsan hindi maintindihan ang mga ugali dahil kalimitang iba-iba naman ang tama ng marijuana o rugby sa pag-iisip nila. Kaya sa halip na tularan natin sila bakit hindi na lang natin sila tulungang lisanin na ng tuluyan ang mga bagay na wala namang maidudulot sa kanilang kalusugan.



Kadalasan ang mga batang ito ang nagiging dahilan ng kaguluhan sa isang lugar. Minsan sila ang nagiging punot dulo ng isang away sa isang. Karamihan kasi sa kanila ay mga bulakbol at mga basagulero na maaaring magdulot ng napakalaking gulo. Minsan ang pakikipag-away na din ang ginagawa nilang libangan. Mahilig silang mang asar ng kapwa bata nila kaya kalimitan gumaganti ang mga batang patuloy na inaasar nila. Hindi nila iniinda ang sakit na maaaring maging sanhi ng kanilang pakikipag away. Mahilig silang mangulit, manggulo at mang asar ng mga tao. Huwag nalang natin silang pansinin sa mga masasakit na salitang binibitawan nila sa atin sapagkat hindi naman yun ang magiging dahilan ng ating pagkasawi at pagkabagsak sa buhay dahil yun ay isang salita lamang na walang katuturan.



Hindi ba't nakakalungkot pagmasdan ng mga batang nasasaktan ng dahil sa mga riot na nagaganap sa isang lugar lalo na kung sila din naman mismo ang may kasalanan kung papaano nagkakaroon ng malimit na gulo sa kanilang nayon? Minsan hindi natin mapigilan ang ganitong mga pangyayaring nagaganap lalo na kung malimit na magkaaway ang mga batang lansangan. Dapat na nagtutulungan sila at hindi nag-aaway. Siguro maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng malimit na pagtatalo ang mga batang gaya nila sapagkat lahat naman tayo hindi minsan naiiwasan ang mga bagay na malimit na hindi natin maunawaan na nauuwi sa hindi magandang usapan na nauuwi na din minsan sa palaking palaking pagtatalo na nagdudulot ng isang  malaking gulo.



Mahirap man unawain ng kanilang mga paguugali, mahirap man unawain ng kanilang mga sitwasyon dapat pa rin natin silang intindihin at wag nating hayaan na tuluyan na silang makain ng masamang elemento dito sa mundo at tuluyan na silang mapunta sa dilim na dapat na hindi nila tinatahak ngayon sa kanilang paglaki. Dapat na ipaintindi natin sa kanila na kailangan na magmahalan pa din sila sa kabila ng mga nangyayari. Wag silang panghihinaan ng loob kapag sila ay nakaranas ng isang kabiguan o ng anumang unos sa kanilang buhay, sapagkat ang lahat ng yoon ay pagsubok lamang na kailangan nating malampasan sapagkat ang Diyos pa din ang ating gabay at hinding-hindi niya tayo pababayaan.